Gusto kong ipaliwanag sa lahat ang pakikibaka ng mga Iglesia ni Cristo (INC). Iniintindi ko po ang inyong rason na nais ipabatid sa gobyerno. Iniintindi ko rin ang gobyerno at ang ating saligang batas.
Nag-ugat ito sa pagsampa ng kaso ng inyong kaanib na ngayon ay tinuturing na ex-member at dumulog sa ating gobyerno na Department of Justice (DOJ). Sila ho ay nagsampa sa kadahilanang ang kanilang karapatang pantao at seguridad ay nasa peligro. (Illegal detention at abduction)
Isinampa ng mga naapi ang legal na reklamo sa ilang ministro ng INC na siyang nagutos na gawin ito.
Dahil may reklamo at inapi base sa saligang batas ng Pilipinas, ginagawa ng DOJ ang trabaho nitong siyasating ang katotohan.
Dahil sa pagsisiyasat, ang ating mga kapatid ay nag prayer vigil o para sa iba ay tinatawag na rally. Sila ay may karapatang magpabatid ng kanilang ipinaglalaban, dahil sila ay binigyan ng permit ng local na pamahalaan upang gawin ito. May takdang bisa ang permit nito at umaasa akong igagalang ng INC ito.
Ang parteng hindi ko maintindihan ay ang panawagan bumaba sa pwede si Sec. Leila Delima dahil kanyang sinisiyat ang katotohan o reklamo na idinulog sa kanya. Hindi maaring ibigay na rason ang ibang pangyayari gaya ng saf44 na dapat daw ay pag ukulang ng gobyerno at ipagwalang bahagi ang issue na ito dahil isa itong pakikialam. Ang reklamo ayon sa INC ay pakikialam.
Tayo pong lahat ay nasa Pilipinas, ang tawag po sa atin ay Pilipino regardless of our religion, tayo po ay nakapaloob sa iisang saligangbatas.
Isang rebelyon ang panawagan separasyon mula sa simbahan at gobyerno. Hindi maaring ang salitang 'Separation of Church to State' ang ating lamang gustong kuning bahagi mula sa batas at sabihin ito dapat. Ito at isang mahabang paragraph na mayroon clauses upang masmaintindihan ang mga bagay na naayon dito at ang limitasyon nito.
Gusto ko pong malaman ang sangguni ninyo? Nababasa ko na sinasabi na hindi nyo kami naiinitindihan, ano ho ba ang gusto ninyong intindihin namin?
No comments:
Post a Comment