Mula kay Catherine Chua:
Ako po ay myembro ng Iglesia Ni Cristo at ako ay may pinaglalaban. Labis pong nasasaktan ang aking dadamin sa sari-saring komento na ipinupukol ngayon sa Iglesia, at ang iba sa mga di namin kapananampalataya ay nawawalan na ng respeto sa aming relihiyon.
Una, hindi po lahat ng kapatid ay nais magpunta sa vigil na nagaganap sa EDSA sapagkat sila ay hinikayat lamang na magpunta dahil sa kautusan daw ito ng namamahala. Bago ka pumasok ng kapilya sa pagsamba kahapon at ngayon ay haharangan kayo ng SCAN o Kalihiman at palalagdain sa isang kasulatan an dumalo sa assembly, o kaya ay maglilibot libot ang mga may tungkulin, ministro o pastor para papuntahin ang mga kapatid sa assembly. Ang hindi sumunod ay sasabihan na lumalaban sa pamamahala.
Pangalawa, about sa issue ng SEPARASYON NG ESTADO AT NG SIMBAHAN. Hinihiling ng mga kapatid na huwag pang himasukan ang ating relihiyon ng gobyerno. Pero ang totoo naman ay tayo ang nanghihimasok sa gobyerno. Trabaho ng DOJ na magsaliksik o mag-imbestiga sa mga taong nagkasala o lumabag sa batas. Sa usaping ito malinaw pa sa sikat ng araw na hindi naman ang buong Iglesia ang nais paimbestigahan kundi ang iilan lamang na myembro ng sanggunian sapagkat sila ay kinasuhan sa kadahilanan na lumabag sila sa karapatang pantao.
Pangatlo, sa mga kapatid na nagagalit sa mga taga sanlibutan na nagkokomento sa atin. Sa kadahilan na naperwisyo sila ng matinding traffic na inaabot nila sa EDSA na nadadamay na ang kanilang kabuhayan. Opo, normal na may traffic lang sa EDSA pero hindi normal na aabutin ka ng dalawang oras o higit pa para malagpasan lang ang Shaw Blvd. marami sa ating mga kababayan ang pagod na sa trabaho at nais ng makapiling ang kanilang pamilya pero katakot takot na abala ang kanilang natanggap dahil sa rally na ating ginawa.
Pang-apat, wala naman talagang koordinasyon ang naganap na rally sapagkat malakas lang tayo sa gobyerno kaya nabibigyan tayo ng permit kahit na naunang magpunta ang mga kapatid sa kalsada bago ang permit.
Pang-lima, kayo ang sumisira sa aral natin. Hindi po ba bawal sa atin ang magrally? Bakit ngayon ginagawa natin ito? Nagdadala pa kayo ng mga effigy eh dba bawal din po iyon.
Nawa'y maunawaan nyo ang nais kung ipaabot. Ginagamit nalang tayo ng sanggunian para sa pansarili nilang kapakanan.
Maraming salamat po,
No comments:
Post a Comment